Kaya mo ng wala siya :)

Masasabi mo lang ang salitang hindi ko kayang mawala ka eh sa araw na malungkot ka lang. Kapag nakaranas ka na ng kasiyahan sa sarili mo, maiisip mo na kaya mo pala, na hindi mo naman pala talaga kailangan ng isang tao para buuin ang sarili mo. Maaring sa pagtagal ng panahon eh pwede ito, pero sa edad mong munti eh napaka imposible pa naman talaga magkaroon ng true love ika nga, wala pa namang manghuhula na tumama sa pagsabi ng kapalaran eh. Lotto nga hindi nila mahulaan yung tamang numero, yung pag-ibig pa kaya na yan?

Tska kaya nga MANGHUHULA eh, wala silang alam. Wala namang makakapagsabi talaga kung kailan darating yang pagmamahal nayan. Bigla na lang UY GUSTO KONG PAKASALAN/IPAKASAL sa taong yan!

Kaya mo maging masaya, bigyan mo lang ng oras ang sarili mo tanggapin ang mga bagay bagay :)


2 notes
tagged as: rhadson. fb.

  1. keribambam reblogged this from keribambam
  2. keribambam posted this